Pagmamahal kay Marielle

Written by Stanley Semilla | Published at 23 October 2017

Mahirap itago, ang ligayang nadarama. Dahil sa bawat oras na ika’y kasama, ang puso’y ko’y parang kumakanta. Umaawit ng masasaya, na para bagang tayo’y iisa. Iisa sa puso’t isipan, kaya ang lungkot ay di natin pinapatulan.

Sa ilang araw, linggo at buwan kang kasama, ako’y natuto ulit magmahal. Magmahal ng buong puso, at nang walang itinatago. Sa isang katulad mong biyaya mula sa Panginoon. Kaya’t ako’y nagpapasalamat, dahil ikaw ay nag-iisa lamang. Kaya’t di ko kakalimutan, ang napakaganda mong pangalan. Madali mang tandaan, garantisadong walang pagkukulang.

Share this post Twitter or Facebook